Napilitan si Ilia na tanggapin ang inalok sa kanya ng kaibigang si Ruset na maging modelo sa iniisponsoran nitong pintor. Kung hindi nga lang talaga siya gipit noong mga panahong iyon ay hindi niya papatulan ang paghuhubad kapalit ng pera! Nilunok na lang niya ang pride at labag na niyakap ang dahilang "para sa sining" ang kanyang gagawin. Hindi mawala sa isipan ni Art ang pag-amin ng sariling ama na mayroon itong naging anak sa ibang babae. Sa mga ganitong pagkakataon ang tanging nakakapagpakalma lang sa kanya ay pagmasdan ang mukha ng babaeng huling pininta niya. Sanay na siyang makakita ng mga hubad na katawan dahil sa rati niyang trabaho bilang isang Nude Painter, kaya labis na lang ang pagtataka niya kung bakit iba ang epekto ng dalagita sa kanyang sistema. Binigyan ulit sila nang pagkakataon ng tadhana upang magkitang muli. Ngunit paano niya haharapin ang babaeng ilang taon ng ginugulo ang kanyang isipan kung malalaman niyang iisa lang ang kanilang pinagmulan? This is a story about falling in love with someone they can't have.