Ang sabi nila, masarap magmahal ng makata, at wala nang mas masarap pa na mahalin ka ng isang makata. Dahil kung paano sila lumikha ng mga katha, ay ganoon sila magpakita, magpadama ng pagmamahal at alaga.
Ngunit paano kung ipinaramdam nga ang ganoong pagmamahal ngunit nauwi lang sa wala? At paano kung ang mga katha ng pag-ibig na kay tamis, ay maging katha ng malalim na pagtangis?
Ako ay isang makata na sinimulan ang tula sa napakagandang karanasan, nagkaroon ng agam-agam sa kalagitnaan, at nagwakas sa kabiguan.
Ako si Isla, at ito ang istorya ng masalimuot kong katha.
Magkakaiba ng titulo, ang kinahitnatna'y hindi pareho. Binuo ng masaya, winakasan ng may luha. Sayo ang simula. Atin ang gitna. Ngunit pagdating sa dulo ay hindi na pala sa ating dalawa.