Sa tahimik na bayan, lumaki si Lila na puno ng sugat na hindi pisikal, kundi emosyonal. Iniwan ng pagmamahal at atensyon ng kanyang pamilya, unti-unting natutunan niyang isara ang sarili mula sa mundo. Ang tanging takbuhan niya ay ang mga libro sa library, na nagsilbing kanlungan ng kanyang tahimik na pighati.
Ngunit nagbago ang lahat nang dumating si Kai, isang misteryosong dalaga na tila nagdala ng liwanag sa madilim na mundo ni Lila. Sa kabila ng kanyang mapaglarong ngiti, may itinatago rin si Kai na sakit, isang lihim na unti-unting naglalapit sa kanila.
Habang nagtatagpo ang kanilang mga sugat, natutunan nilang harapin ang kanilang nakaraan, labanan ang kasalukuyan, at yakapin ang hinaharap. Ngunit ang kanilang kwento ay hindi lamang tungkol sa pagkakaibigan o pagmamahal. ito ay tungkol din sa pagpapalaya, pagtanggap, at pag-asa.
Sa isang kwentong puno ng emosyon, "Endless Memories" ay magdadala sa mga mambabasa sa paglalakbay ng pagkawala, pagpapatawad, at paghilom. Sa bawat pahina, ipapakita kung paano ang isang tao, gaano man kahirap ang pinagdaanan, ay kayang makahanap ng liwanag sa kabila ng kadiliman.
Lumaki si Ethan na puno ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang na umampon sakanya, lalo na sakanyang Daddy Carlos, na laging nandiyan para sa kanya. Ngunit habang lumilipas ang panahon, napansin niyang lumalamig ang trato sa kanya ng kanyang ina na si Helena, na tila'y may hinanakit ito sakanya na hindi niya maunawaan.
Sa bawat yakap at paglalambing niya sa kanyang ama, ay lalo lamang lumalalim ang galit ng kanyang ina.
Hanggang sa isang araw, ang matagal nitong kinikimkim na selos ay tuluyang sumabog.
Isang madilim na balak ang isinakatuparan-isang pagtataksil na hindi niya kailanman inakalang mangyayari.
Sa isang iglap, gumuho ang mundong kanyang kinagisnan. At sa harap ng matinding sakit at pagkawala, isang bahagi ng kanyang sarili ang nagising-isang bahagi na magtatakda ng kanyang hinaharap.