Preface Minsan sa buhay ng Tao ay pinaglalaruan tayo ng ating kapalaran o tadhana. Maraming karanasan, pagsubok at hamon ng ating Buhay ang dinananas bago natin ito malalampasan sa huli. Minsan ay inisip na natin sumuko dahil pagod na tayo magdusa at magtiis ng ganitong buhay. Sa ating buhay ika nga "Minsan nasa ilalim , Minsan nasa Ibabaw" at "Habang may buhay may pag-asa ".Sa kalagayan ni Theo, lahat ng uri ng karanasan ay naranasan niya pang-aapi, pang-aasar, pangungutya, paglalait sa pagkatao niya at pagtutukso .Naging matatag ang kanyang loob at matapang niya hinarap ang mga hamon ng buhay nito. Bago niya malampasan ang mapait at masilamoot nitong Buhay. Kahit naging kaaway sila ni Adones, ay di impossible ang taong kaaway mo maging kaibigan mo rin ito. Pero sa sitwasyon ni Theo higit pa pala sa kaibigan ang turing ni Adones sa kanya. At ito humantong sa pag-iibigan at kasalan ang naganap. Sa huli naranasan din ni Theo na maging maligaya sa buhay na kasama si Adones. Puno man ng suliranin ang ating buhay sa bandang huli matatamasa rin ang kaginhawaan, sa gabay at tulong ng ating panginoon Diyos.
10 parts