Sa buhay, may negatibo, may positibo. Minsan, hindi na natin alam kung saan tayo papanig. Ito ang kuwentong nagsasalaysay sa tunay na pagkakaibigan na nagdaan sa hindi pagkakapantay-pantay na estado ng buhay. Ito ay sumasalaysay sa isang teleserye sa telebisyon kung saan naglalaman ng mga malalalim at mapupulutang aral. Miguel Tanfelix bilang Prince Pelaez-Almario, ang batang tinaguriang prinsipe ng pinyahan. Bianca Umali bilang Mariella "Ella" Servando-Rodrigo, ang batang lumaki sa pagmamahal ng magulang. Sa istoryang ito nakatutok ang dalawang taong nagmamahalan na nag-umpisa sa magagandang pagkakaibigan, sa pagitan nito may humahadlang, may tumutulak. May naglalayo at may pinag-iisa. Basahing mabuti at intindihin ang mga aral sa bawat yugto at magandang isabuhay, nang sa gayon mapagtanto natin na ang buhay ay pwedeng maging isang mahiwagang istorya, at mapatunayan na ang pag-ibig ay walang hanggan.
12 parts