Lumaki si Aldren sa kasabihang, "Everyday is a new blessing that we should be thankful for." At totoo naman iyon, hindi ba? Araw-araw siyang bumabangon mula sa mga pagod, sakit, at hirap ng mundo. Pinipilit niyang makita ang kagandahan kahit sa gitna ng dilim. Iyon ang tinuro sa kanya-na kahit anong mangyari, kailangan niyang magpasalamat. Dahil ang buhay, sa kabila ng lahat, ay isang regalo.
Ngunit may mga bagay palang hindi kayang lagpasan ng simpleng pananampalataya at lakas ng loob.
Sabi nila, "Every moment is a wonderful experience that we should be proud of." Kahit mahirap, kahit tila imposible, lahat ng karanasan may aral. Lahat ng hirap may dahilan. Pero paano kung ang karanasang iyon ang magwasak sa kaniya? Paano kung ang dahilan ng hirap ay ang taong hindi niya kayang mawala?
Everyday with him was a blessing for Aldren. Noong simula, akala niya totoo iyon. Kasama siya, natutunan niyang ngumiti kahit walang dahilan. Lahat ng oras na magkasama sila, bawat kwentuhan, bawat tawa-lahat iyon, pinanghawakan niyang mahigpit. Para siyang araw-nagbibigay liwanag sa madilim niyang mundo.
Everyday, sinabi niya sa sarili, "Kaya ko pa." Every moment, pinipilit niyang maging matatag. Pero paano, kung araw-araw ay nawawalan siya ng dahilan para bumangon? Paano kung bawat moment na kasama siya ay paalala lang ng papalapit na katapusan?
Every you. Siya.
Siya na minahal niya ng buo. Siya na pinangarap niyang makasama habangbuhay. Siya na nagbigay sa kanya ng dahilan para ngumiti, pero siya ring dahilan kung bakit ngayon, hindi na siya magawang ngumiti.
Everyday, every moment, every you.
Sa huli, ang bawat araw ay isang paalala na siya ang nawala.