Unseen (Short-story)

Unseen (Short-story)

  • WpView
    Reads 1,321
  • WpVote
    Votes 32
  • WpPart
    Parts 5
WpMetadataReadComplete Sat, Oct 5, 2013
Lahat tayo biniyayaan ng dalawang mata para makakita. Makakita ng mga bagay na nakapaloob sa mundong ito. Masakit man o hindi. Makakapag-iyak man sa atin o makakapagpasaya. Ngunit ito lang ba talaga ang importansya ng ating mga mata? Talaga bang para lang makakita ng mga bagay sa mundo ang dahilan nila? Ako si Limuel. Galit ako sa taong dahilan ng paghihirap ko. Galit na galit ako sa kanya na halos ipikit ko na ang mga mata ko sa tuwing nandyan sya. Oo nga't iisa lang ang dugong dumadaloy sa aming dalawa... ... pero sya pa din ang dahilan ng paghihirap ko. Ng pagdurusa ko. HANGIN na lang sya para sa akin. Parang HANGIN na nararamdaman ko pero HINDI KO NAKIKITA.
All Rights Reserved
#28
andrew
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Salamisim
  • The Guitar Guy
  • Love against dream (NaNoWriMo2014 Novel)
  • Everything that Falls gets Broken
  • Being with you (Completed)
  • Written Memories
  • Love Me Not, Leave Me Not [COMPLETED]
  • Kung Pwede Lang Sana
  • Adami's Cigarette (Point of View Series #1)
  • Fall In Love with Me(PUPPY LOVE IN DFLOMNHS)
Salamisim

Kung marami na nga ang namamatay sa maling akala iisipin ko na talagang torture ito. Pero bakit ko nga ba mas pinili ang ganitong sitwasyon? Minsan iniisip ko napakatanga ko lang talaga na kahit na ano pang gawin mong pagsusungit at pagtataray sa akin ay nagagawa pa rin kitang suyuin. May punto na parang palagay ang loob natin sa isa't-isa. May punto naman na para bang kinasusuklaman mo na ako. Pero kahit na ganoon ay heto, nandito pa rin ako at patuloy na naghihintay. "Hmm, sorry," napakatipid na sambit mo. Hindi ko nga alam kung saan na bang lupalop nakakarating ang isang salitang gaya niyan. Napakadaling paniwalaan para sa akin dahil ikaw naman ang nagsabi, pero dumating yung punto na napagod na lang ako. "Pasensiya na rin. Nakalimutan ko kasi...hindi nga pala tayo. Kaya siguro dapat ilugar ko na lang ang sarili ko sa tamang lugar at tao." Ngumiti ako at nilagpasan ka. Ngumiti ka rin, pero kitang-kita sa mga labi mo ang mapait na katotohanan. "Mahal mo pa rin ba ako?" tanong mo. Isang tanong na nakapagpatgil sa akin. Ang tanging nagawa ko na lamang ay lumingon, ngumiting muli...at umiling.

More details
WpActionLinkContent Guidelines