" Hindi kita kilala, Mr. Gomez. Pasensiya na.." Nanlumo ang katawan ni Mark Anthony nang narinig ang binigkas na mga salita ng kaniyang minamahal na estudyante. Hindi lang bilang estudyante dahil naging magkasintahan sila bago nangyari ang karumal-dumal na aksidente kung saan kasama roon si Erin Zoriana Romeoelle Alcoriza. Si Erin ang babaeng naging kasama ni Mark Anthony sa kanilang mission, at hindi kalauna'y nahulog ang loob nila sa isa't isa. Ngunit nang mangyari ang insidente at hindi na maalala lahat ni Erin ang pinagsamahan nila ng kaniyang Professor, gagawa ng paraan si Mark Anthony para maibalik ang ala ala ng babaeng minamahal niya. Muli kayang maibabalik ni Mark Anthony ang lahat ng ala-ala nilang dalawa ni Erin? Muli kayang maalala ni Erin ang lahat ng pinagsamahan nila ni Anthony? Ano ang magiging gamot upang bumalik ang ala-ala ni Erin kasama si Mark Anthony?
Mais detalhes