MAN ON THE REBOUND Malapit na sana ang kasal na pinapangarap ni Valerie sa nobyong niya ng apat na taon ng malaman niya ang kataksilan nito. Nahuli niya itong may relasyon sa mismo pa niyang matalik na kaibigan. Dahil labis na nasaktan, ay pinili niya munang magpakalayo. Malayo sa siyudad, sa kanyang pamilya, sa trabaho niya at mas lalo na sa mga taong nakasakit sa kanya. Sinubukan niyang lumimot at naglakas loob magpunta sa isang liblib na resort sa Cebu. Sa pag-aakalang makakalimutan ang sakit. At sa di inaasahang pagkakataon ay magkrus ang kanilang mga landas ng isang Andrei Dela Paz. Noong una ay wala talaga siyang balak na makipagkaibigan rito. Sa dahilan narin na ayaw niyang magkaroon ng isang rebound relationship. Ngunit kahit anung iwas ang ginawa niya ay siya rin naming pangungulit ng binata sa kaya. Pero ng malaman niyang nakatakda na palang ikasal ang dati niyang nobyo, ay naroon si Andrei upang damayan siya. Kaya’t in an instant hindi niya na lamang namalayang inalok na niya ito ng sarili niya. In a druken state. Pakiramdam niya sa bagay na yun ay makakalimutan niya ang sakit na meron siya. Sa walang kaalaman na ang gabing rin iyon ang makakapagpabago ng buhay niya.