Lahat ng tao ay kayang piliin ang isa pang tao sa kahit gaano pa kalalang sitwasyon. Lahat ay may kakayahang piliin ang isa't-isa gaano man kahirap at ka-bigat ang sitwasyon. Kayang piliin, kung walang pag a-alinlangan. Posible nga bang dahilan kung bakit ka iiwan ng isang tao ay dahil sa kasalanang s'ya mismo ang gumawa? At sa hindi n'ya kayang magbago? Bakit nga ba hindi kayang magbago ng isang tao para sa'yo? Bakit nga ba walang pagbabago? Kung mahal mo, mahal mo. At dahil nga sa mahal mo, wala ka nang dahilan para hindi manatili. Ngunit paano ang mga pangako at ang mga pinagsamahan? Saan na napunta? Sige, baka sa susunod na habangbuhay. Andito lang ako, kung saan unang beses kong sinabi sa'yo na mahal kita. Mahal kita. At mahal na mahal Ikaw pa rin sa susunod na habangbuhay.