From the grave she rose to make her wrath known. ______ Kilala ang eskwelahan ng Crisostomo High School bilang eskwelahan ng kababalaghan dahil sa mga bali-balitang mayroong mga estudyante rito ang sinasapian ng multo. Pero ang dalagang si Raia Davino na nagmula sa maka-diyos na pamilya ay hindi naniniwala rito kahit pa sa sariling eskwelahan niya na iyon nangyayari. Kaya naman nang mayroong mga estudyante mula sa ibang eskwelahan ang nag-camping sa kanilang eskwelahan at napag-tripan na hanapin ang sinasabing puntod ng multo ay sumama siya sa mga ito. Ang hindi nila alam, hindi nalang basta-basta multo ang espiritu niya... Dahil sa poot na naramdaman magmula ng mamatay siya, ang kaluluwa niya ay naging masama na. At ngayon ay galit siya sa kanila. Pero, hanggang saan nga ba ang kayang gawin ng isang yumao na para iparamdam ang galit nila? Kaya ba nila na.... pumatay ng mga buhay?