Siya si Zea Velez, ang babaeng naniniwala sa totoong pagmamahal. Dahil hindi niya nakamtan ito sa mga magulang niya kasi palaging busy ang kanyang ama sa kanilang negosyo at iniwan naman siya ng kanyang ina nung maliit pa lamang siya. Pero nagbakasyon siya sa lugar ng kanyang lolo't lola. Upang makalimot sa sakit na naidulot sa kanilang paghihiwalay ng kanyang nobyo ng dalawang taon. Ngunit, paano kung isang araw sa iyong pamamasyal ay may makilala kang Gwapong lalaki at kay puti na parang gatas na parang di nabibilad sa araw at yung labi niya na kay pula na parang rosas, at yung katawan niya na kay kisig. At paano kung isang araw na nalaman mo na ang iyong pinapantasyahan ay isang Bampira? Matatakot ka ba? O Mamangha? Dahil totoo yung nasa pelikula na iyong napapanood na may bampira.