Dito sa bar, ako taga-dala ng inyong bisyo, taga-linis ng inyong kalat, inuutusan kuhanan kayo ng litrato, tinitiisss mga hampas ng babae sa aking pwet... walastek na trabaho 'to, diba?
Habang naglilinis ako sa banyo, may natuklasan akong maliit na kahon ng condom. Akala ko may laman pa, kase sayang naman. Ngunit... ang laman lang nito ay pirasyong papel, na akala ko manwal. Pero hindi siya manwal, kundi sulat-kamay ng Gdrive link.
Pagkasara ng bar at naglinis, kinuha ko aking selpon at pinuntahan itong link sa internet. Ang inaasahan ko sana ay mga sex-scandal na videos, pero ang nilalaman pala nito ay hindi ko inakala.
May istorya na wild, istorya na nakakalungkot, nakakatuwa, nakakakilig... istorya na mapapasabi kang: "T*ng ina! Oo nga no?!" Kaya bili na! Subukan basahin itong mga kwento at malublob iyong kalooban sa mga karakter na makikilala mo.
Language: Taglish
Book cover designed by the author himself
Book cover designed in Canva