Siguro nga may mga taong dumarating sa buhay natin para mahalin tayo, pero hindi sila yung mga taong itinadhana para sa atin. May mga taong darating at darating sa buhay natin para sirain tayo at may mga darating din para buuin yung nasirang "ikaw". Paano kung iisang tao lang siya? Siya na dahilan kung bakit nasira ang mga pangarap mo noon at kung bakit hindi naging maayos ang pamumuhay mo sa loob ng apat na taon? Tatanggapin mo pa ba siya? Na baka sakaling nagbago na siya at handang ituwid ang mga pagkakamaling nasimulan niya noon? O mas paniniwalaang baka mas maging komplikado ulit ang sitwasyon mo dahil sa pagbalik nya?