Kung ikaw si Pearlyn o mas kilala bilang Pearl na akisidenteng nagalaw ang isang antigong orasan sa museum na pinagtatrabahuhan niya at sa isang iglap ay napunta siya sa kakaibang panahon. Sa panahong 1897 na inakala niyang makikilala niya ang mga sikat na bayani ng bansa ngunit kahit isa rito ay hindi nag-e-exist sa panahon na iyon, tanging ang babaeng kilala sa tawag na Donya Trinidad Asbeto ang kaniyang nakilala sa pinaka-kakaibang tagpong hindi niya inaasahan. Magkakasundo nga ba ang isang babaeng modernong galing sa hinaharap at babaeng sa murang edad ay tinawag nang Donya dahil sa taglay nitong yaman, kasungitan, kahigpitan at katalinuhan? Makakatagal kaya si Pearl sa kakaibang panahon na napuntahan niya lalo sa piling ng babaeng sobrang hirap pakisamahan? May pag-asa pa kaya siyang makabalik o sa kalaunan ay nanaisin niya nalang ang manatili? Ano nga ba? Abangan!