Si Adelaida Alunsina Taguire Alegria ay isang dalagang hinahangad ng karamihan sa kanilang bayan. Maraming mga binata ang nagtangkang makuha ang kaniyang mga kamay ngunti lahat sila ay nabigo. Nagpakasunduan ng kaniyang mga magulang na ipakasal na lamang si Adelaida sa isang mayamang haciendero ng Pasipiko na si Marco Jaurigue. Sa di malamang dahilan ay tinangkang tumakas ni Adelaida sa araw ng kaniyang takdang kasal. Ngunit habang tinatahak ang dagat ng Pasipiko ay nagkaroon ng aksidente ang kaniyang sinasakyang bangka. Habang unti-unting kinakain ng dagat ang kaniyang katawan ay naaninag ang isang nilalang na akala'y sa kwento niya lang makikita, ang nilalang na nagligtas sa kaniya... Isang sirena.