Mayaman ngunit malungkot at tahimik ang buhay ni Stefanie Oftana. Kasalukoyan siyang nag-aaral sa isang pribadong paaralan kung saan siya ang palaging tinatanghal bilang Muse dahil sa taglay niyang kagandahan. Nang mag-edad siya ng labing-walong-taon, mas humigpit ang kaniyang pamilya sa pagkakaroon niya ng nobyo. Maraming manliligaw si Stefanie, ngunit sa kagustohan ng kaniyang pamilya na unahin muna niya ang makapagtapos ng pag-aaral bago pumasok sa pakikipag-relasyon ay nagawa niyang iwasan ang mga lalaking manliligaw niya. Hanggang sa dumating ang isang gabi, habang mag-isang naglalakad sa madilim na ESKINITA, nakasalubong niya ang isang grupo ng mga lalaking nakaitim. Si Brex Anderson o mas kilala sa pangalang Brex The Play Boy, ang binatang KABALIKTARAN sa kanya, ang binata na isa sa may gustong kumuha sa bag niya na may lamang 1M. na gagamitin sana sa pagpapaopera sa kaniyang Ama na may sakit sa puso. Nanaisin pa kaya ng dalagang tumakbo kung gayung nauna na nitong nakawin ang kaniyang puso? Nanaisin pa kaya niyang ibigin ito kung sakali man na dumating ang oras na malaman niyang isa itong manluluko?All Rights Reserved