Alright. Una sa lahat, ginawa ko ang walang kwentang kwentong ito para ibuhos ang kabaliwan, katangahan, at kawalang-hiyaan ko sa buhay. Kaya kung magalit man sakin ang presidente ng Iraq, peace lang tayo brad. Ikaw! Oo, ikaw na nagbabasa. May pagkakataon kapa para i-close ang tab na 'to at mamuhay ng matiwasay sa iyong buhay. Kung ayaw mong masira ang kinabukasan mo, iwan mo na ang webpage na ito at magtanim kana lang ng palay. Hmmm, 'di pa ba magbabago ang isip mo? Sigurado ka? Osige! Dahil mapilit ka at mukhang interesado ka naman na mabasa ang basurang ito, fine. Pero maikli lang ito ha? Hindi ito kasing-haba at kasing-ganda ng She's Dating theGangster at Diary ng Panget. LOL. Wala lang kasi akong magawa kaya ko linikha ito. 'Wag nyo naman sanang masamain at isumpa ito. Pasensya na po kung nasaktan ko ang mga damdamin ninyo. Btw, walang hayop ang nasaktan sa pagsulat ko nito. Meron pong isang garapata na napilay, pero okay na sya ngayon. Alright! Let's start. :)All Rights Reserved