CLANDESTINE LOVE SERIES #3: Sincerely, Yours "Sinaunang Stylist" Ito ang bansag ng SB19 kay Halina Hara. Siya kasi ang naging unang stylist ng grupo noong nagsisimula pa lang ang mga ito sa training. Subalit, nang dahil sa personal na problema, kailangan niyang lumayo sa grupo. Sa muli niyang pagbabalik, naabot na ng grupo ang pangarap nitong pagsikat. Isa na rin sa hinahangaan ng karamihan ang rapper ng SB19, si Josh Cullen Santos, ang kababata at kaibigan niya. Malayo na ang narating ng binata pero hindi pa rin nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Dahil sa pagiging malapit ng dalawa sa muling pagkikita, nagsimula na muling umusbong ang nahintong nararamdaman. Isang desisyon lang mula kay Halina ang hinihintay ni Josh para sa pag-ibig nila pero alam niyang marami pang pangarap ang binatang idol. Isa ba talaga siya doon?