The Billionaire's Secretary
9 parts Ongoing Dahil sa isang desisyon na nagbunga ng kanyang pagkakamali, naranasan ni Isabella Cruz Delgado ang hirap at pagsubok na hindi niya inaasahan. Ang kaniyang pag lalakbay sa kahirapan ang magiging daan upang makikilala n'ya si Theodore Windsor.
Hindi kailanman inakala ni Ysa na ang simpleng pagiging sekretarya ng cold at seryosong CEO na si Theodore Windsor ay magdadala sa kanya sa isang kakaibang kasunduan - isang pekeng relasyon.
Walang halong pag-ibig, walang emosyon. Puro papel, pera, at pabor lang ang usapan.
Bilang kapalit, tutulungan ni Theo si Ysa sa pangangailangan ng kanyang anak, at bibigyan siya ng bagong simula.
Isang bubong, tatlong tao, at isang kasunduang dahan-dahang binubura ng tadhana.
Paano kung ang mga linyang binalangkas nilang dalawa ay tuluyan nang mabura ng mga totoong damdamin?
"Sa simula, papel lang. Pero paano kung ang puso na ang pumirma?"