Rose was annoyed by what her parents did. They made her a repayment of debt. Malaki ang utang ng mga ito sa family Kulton kaya nang hindi nila magawang bayaran ang napakalaking halaga ay ipinagkasundo siya sa isa sa anak ng mga Kulton. Ikinasal siya kay Trez Kulton kahit labag sa kagustuhan niya. Nais niyang suwayin ang mga magulang ngunit hindi niya magawa. Iisa lang ang taong nais niya at iyon ay ang kababata niyang si Lucas, ngunit sumama ito sa ga magulang upang mag migrate sa Canada. Bago umalis si Lucas ay inamin niyang mahal niya ito, ngunit ang kapatid lamang ang pagtingin nito sa kaniya. Nasaktan siya ng husto that's why she hated love, iisa na nga lang ang taong gusto niyang makasama ay iniwan pa siya nito. Ngunit mas lalong naging miserable ang buhay niya nang matuloy ang kasal nila ni Trez. She ended up liking this guy dahil may kahawig ito kay Lucas, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay pinigilan niya ang sarili na umibig. She clearly overheard the conversation of Trez na hindi ito seryoso sa kasal nila. Nasaktan siya dahil nagkatawanan pa ang mga kaibigan nito nang sabihin nitong, she's not the girl he wanted to be with. Pagkatapos nitong makuha ang pagkababae niya ay ganon nalang ang sasabihin nito. Umalis siya sa bahay na 'yon at hindi na nagpakita pa kailanman. She choose to be a lesbian at mas mabuti pang ganoon na lamang siya upang maiwasan ang lahat ng lalaking umaaligid sa kaniya. Ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay muling bumigay ang puso niya. She fell in love with a girl, named Reza. It's been six years since she left that place ngunit inilihim niya ang lahat tungkol kay Reza. Ayaw niyang malaman ng kahit na sino ang tungkol sa babaeng ito, at nagawa niya rin itong ilihim kahit sa napakalapit niyang kaibigan na si Yssa Cajeldo. Ngunit sa hindi inaasahan ay muling nagkrus ang landas nila ni Trez, she still hated him and she wanted to file an annulment. Ngunit gayon nalang ang galit niya nang hindi ito pumayag sa annulment.