Si Hyaleah Centhia De Guzman ay isang dalagang mahiyain ngunit pinakamatalino sa kanilang unibersidad. Siya ay sikat sa larong volleyball at hinahangaan ng lahat. Hinahangaan hindi dahil sa kanyang mukha kundi dahil sa kanyang angking talino at kakayahan. Ngunit marami pa ring kumukutya sa kanya, mapalalaki o babae man. Hindi siya marunong mag-ayos sa sarili at puro libro lang ang dala-dala. Ayos lang sa kanya ang kinukutya ng iba ngunit kapag sa mismong pamilya na nanggaling ay masakit na. Siya ang pinakapangit sa lahat ng magkakapatid, ika nga ng mga tinuturing niyang kaibigan at pamilya. Dahil sa pangungutyang natanggap ay bumaba ang kompiyansa niya sa sarili. Wala siyang tiwala sa sarili at para sa kanya ay di pantay ang buhay ng lahat. Matututo pa kaya siyang pahalagahan ang sarili?