Sa karaniwang mundong akala ni Miguel "Migs" Cruz na puno lamang ng pangarap na maka-graduate ng maayos at makahanap ng magandang trabaho, isang kakaibang landas ang kanyang tatahakin. Sa isang iglap , tinanggal si Migs ng kanyang mga kasamahan sa thesis, na naging dahilan kung bakit mahihirapan syang mag martsa sa Marso. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok, isang "Special Project" ang ipinagkatiwala sa kanya ng kanyang propesor, isang misyon na magdadala sa kanya sa masalimuot na daigdig ng Lumartha. Handa ka na bang sumabak sa isang kaharian ng mga kaharian, misteryo, at di inaasahang kaganapan?