Isang pagkakamali... dahil sa isang pagkakamali nasira ang aking buhay, nasira ang aking pinapangarap na isang masayang pamilya. "Patawarin mo ako Bernie hindi ko sinasadya!" pagmamakaawa nya sa asawa, isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi nya tila nahilo sya sa lakas non. "Anong hindi sinasadya! Ang kapal ng mukha mo nanlalaki ka na nagpabuntis ka pa!" galit na galit ang itsura nito habang sinasakal sya, parang sinaniban ito ng demonyo. Paano ko pa mabubuo ang aking sarili, paano ko pa mabubuo ang aking pamilya? Paano ako mapapatawad ng aking asawa? Ngunit paano kung ang iyong nakaraan ay bumalik? Magkakabalikan pa kaya kaming mag-asawa or tulyan ng magkakahiwalay? Ako si Andrea Samonte at ito ang kwento ko...All Rights Reserved