Sobrang kumpleto na ng buhay ko.
Nasuklian ko na lahat ng paghihirap ng mga magulang ko para sa akin.
Naabot ko na yung mga pangarap ko.
At sa totoo lang... wala na akong mahihiling pa.
Pero bakit ganun?
Bakit parang may kulang pa rin?
Kung kailan okay na ako...
Kung kailan buo na yung mundo ko...
saka ko pa naramdaman na may isang bahagi sa akin na parang hindi pa rin kumpleto.
Bigla silang bumalik...
Yung nang-ghost sa'kin.
Yung ex ko.
Yung greatest love ko noon.
Yung fling na akala ko walang meaning.
Yung FUBU na akala ko hanggang doon lang.
Yung taong matagal kong pinapangarap...
At yung taong tinawag kong...
"the one that got away."
Hindi ko alam kung anong dahilan...
Pero isa-isa silang nagparamdam ulit.
Parang sinadya ng tadhana na guluhin ako.
At ang mas masakit...
lahat sila may pinapakitang motibo.
lahat sila may sinasabi...
pero walang malinaw na sagot.
Mixed signals.
Mga salitang may laman, pero kulang sa paninindigan.
Mga paramdam na nagbibigay ng pag-asa...
pero hindi sapat para masabing totoo.
Pero paano kung...
yung mixed signals nila, totoo pala?
Paano kung sa dami ng bumalik...
may isa pala sa kanila ang hindi dapat binitawan?
Pero sino?
Sino ang pipiliin ko...
kung lahat sila marunong bumalik...
pero hindi lahat marunong manatili?
All Rights Reserved