Lahat nmn tayo nag mahal na. Hindi ba? Hindi naman bawal. Hindi naman masama. Eh paano pag nainlove ka sa bestfriend mo? Okay lang ba? Hindi naman natin napipili kung sino ang taong mamahalin natin. Kaso, boyfriend siya ng kapatid mo. Paano ka na? Susuko ka na ba? O ipaglalaban mo siya? Magpapaka-martyr ka? Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Lagi naman eh. Naaksidente ang bestfriend ko. Iniwan siya ng kapatid mo. Chance ko na ba to? Siguro. Ewan ko. Gusto ko, pero ayaw ko. Natatakot ako. "Mamahalin niya kaya ako tulad ng pagmahal niya sa kapatid ko?" "Nakakatakot masaktan, pero mas nakakatakot kung hindi natin susubukan."