Tapos nang magpakamartir si Jessica kaya tuluyan na niyang pinalaya si Alvin Hidalgo. Umalis siya ng walang paalam at nagpakalayo-layo. Makalipas ang anim na taon ay muling nagtagpo ang landas ng kaniyang dating asawa. Pero ano ang gagawin niya kung malalaman niyang hindi pala pinirmahan ni Alvin ang kanilang annulment papers? Mare-realize ba ni Alvin na si Jessica ang babaeng para sa kanya?