Isang magaling na doctor si Dr. Jaxon Philip De-Gracia. He is one of the Bachelor too. Devotion and Care to bring Healing, Comfort and Hope ang kaniyang motto sa buhay. Ang pagpikit ng mga mata at ang paghinto nang tibok ng puso ng babaeng minamahal ang wawasak sa kaniyang mundo. Kaya pa ba niyang umibig muli kung nawala na sa sistema niya ang salitang pag-ibig? Pero paano kapag nagmahal siya muli at malaman ang katotohanan mula sa nakaraan? Kaya niya bang ipagpatuloy ang kaniyang pag-ibig o kakamuhian niya na lang ito habang buhay? Maitatama pa ba ng panahon kung huli na ang pagkakataon?