Si Elixa Belinda Qervin ay hindi tulad ng ibang babaeng mayayaman. Kung ang mga tulad niyang mayayaman ay masaya at masagana ang buhay‚ siya ay hindi. Pakiramdam niya ay para siyang ibon na nakakulong sa isang hawla. Kontrolado ng Ina niya ang buhay niya. Lahat ng gusto nito ay dapat niyang sundin. Kahit nahihirapan siya‚ kinakaya niya. Akala niya magiging sapat ang lahat ng paghihirap na ginawa niya. Pero hindi. Kulang na kulang pa rin. Mabuti na lang ay may kaibigan siyang laging nariyan tuwing kailangan. Na laging nagbibigay ng ngiti sa labi niya at nagpapasaya ng puso niya at nagparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa. Paano kung ang taong iyon ay biglang nagbago? Paano kung taong dating nagpapasaya sa kanya ay ngayon ay ang taong sinasaktan siya? Paano kung taong nagbigay ng ngiti sa labi niya ay siya rin ang dahilan ng paglaho nito? Paano kung sino ang nagpasaya sa iyo ay siya ring magiging dahilan ng pagluha mo? Dati siya ang takbuhan mo pero ngayon siya ang tinatakbuhan mo.All Rights Reserved