Baket kinailangan magkrus uli ang aming mga landas? Di paba sapat na lumayo ako pagkatapos ng lahat. Ako ang sinaktan, ako ang nagbigay daan, ako na ang nagpaubaya. Ako ang nagdusa at tuluyang nagdurusa. Ayoko ng maulit ang nakaraan. Ayoko ng maalala ang sakit ng nakalipas. Ayoko na.