"Masalimuot na topic ang pag-ibig dahil alam naman nating lahat na hindi lang puso ang sangkot dito kundi pati na ang lahat ng internal at external organs. Komplikado, kasi hindi lang sinusukat ang lalim ng nararamdaman kundi lalim din ng bulsa, kapal ng pitaka, mukha at palad. Hindi lang dalawang tao ang sangkot. Dapat ding isama sa kalkulasyon ang kalaro, katabing upuan, kapitbahay, kamag-anak, kakilala, katanguan at kaanuhan lang. Hindi lang pinag-uusapan ang ngayon pero hindi maiiwasang mapag-usapan ang kahapon at tanawin ang nasa dako paroon.
Buti na lang at may Ate Bebang na umako sa ilang papel nina Papa Jack, Ate Charo, Tita Mhel, Oprah, Tiya Dely, Kuya Eddie, Helen Vela, Johnny Midnight, Phil McGraw, Kuya Boy at Chef Logro, Kuyang Tubero at Ateng Tindera."
Eros Atalia
(mula sa introduksiyon)
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG]
STATUS: COMPLETED
Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would certainly do everything to have one as his own ngunit ang problema eh hindi niya kayang kumain ng tahong. Sa puso niya isa siyang reyna ng mga unicorn at mamatay sa ngalan ng bahaghari. Sa di inaasahang pangyayari siya ay naging instant mommy sa isang kyut na chikiting na nasagip niya mula sa mga goons na humahabol dito.
Makakaya kaya niyang maging motherhood sa isang bulilit? Paano kong isang araw kumatok sa pinto niya ang ubod ng gwapong lawyer at magpakilala bilang tatay ng bata? Makakaya kaya nilang malayo sa isa't-isa?
Book cover made by: @IThinkJaimenlove/ Jaime Kawit