Si Danny ay isang freshmen college sa isang unibersidad- ang Santa Loisa University. Kasama nito ang matalik na kaibigang si Elsie na parehong kurso ang kinuha. Ang buhay ni Danny ay parang perpekto kung titingnan. hindi man sila gaano kayaman ay mayroon siyang masayang pamilya, nag- aaral sa isang prestihiyosong paaralan at may mayamang boyfriend- si Brandon. Si Jake sa kabilang banda ay isa ding matalik na kaibigan ni Danny, ngunit may lihim na pagtingin sa kanya. Ang buhay na mayroon ang dalaga ay bigla nalang nag-iba nang isang araw ay nakarating nalang siya sa isang hindi inaasahang panahon at oras. Tila ba nagkaroon ito ng pagkakataong makita ang kanyang hinaharap. Mula sa inaasahan niyang perpektong kinabukasan ay iba ang kanyang nadatnan pagdating sa hinaharap dahil halos apat na taon ang kanyang nilakbay, ang kanyang mundo ay mababaligtad.