24 parts Ongoing "Ang mga kapangyarihan niyo ay hindi magiging inyo, kundi kayo ay magiging kapangyarihan ng iba."
Matapos ng napakalakas na pagbigkas sa isang spell ay nawala lahat ng makapangyarihan. Naging kwento kwento na lamang ang mga ito at ang mismong mga kapangyarihan ay naglaho.
Babalik pa kaya ito? Kung oo, kelan pa?
.............
Pagkatapos ng nakakapagod na gala ng magkakaibigan ay dumating ang oras na sila ay kailangan ng umuwi. Sa gitna ng biyahe, bigla na lang nawala ang katahimikan ng gabi nang maganap ang isang hindi inaasahang aksidente. Ang sinasakyan nilang sasakyan ay nawalan ng kontrol dahil sa hindi ma intindihang enerhiya na tumama dito at mabilis na tumilapon sa madilim na kalsada.
Ang lahat ay nawalan ng malay dahil sa malakas na pagsabog at mabilis na pag-ikot ng mundo dahil sa pag gulong-gulong ng sasakyan.
Ngunit nang magising sila, hindi na ang pamilyar na kalye ang kanilang nakita. Sa halip, isang kakaibang kagubatan na hindi nila alam ang bumungad sa kanilang mata.
.....
Picture isn't mine, credit to the owner!!
Will try to update as fast as possible.