Baliw!!! Ito kung mag asaran ang magkaibigang Yam kay Gregg na bagamat sa chat lamang nagkakausap ay nagkapalagayan na ng loob. Si Yam ay isang simpleng babae na bagamat simple ay mararamdaman mo ang lalim sa pagkatao, samantalang si Gregg naman ay nagttrabaho sa ibang bansa. Sa chat nagkakilala ang dalawa, magkaiba sila ng mga hilig pero nagkakasundo sa maraming bagay. Mag kabila man ang kanilang mundo, nakakuha naman sila ng instrumento para paglapitin ang kanilang mga imahinasyon. “Kumusta naman ang Pilipinas?” Tanong ni Gregg. “Ito Pilipinas pa rin.” Pagbibiro naman ni Yam “Kumusta ang Lovelife?” “Anung klase bang tanong yan? Alam mo naman ang sitwasyon ko di ba?” May pait na na sabi ni Gregg. “Ikaw naman masyado kang seryoso, ngumiti ka naman dyan, nawawala na yung face mong mukhang 17 years old.. tatanda ka agad nyan” Pagbibiro ni Yam. “Pwede ba iba nalang ang pag usapan nati? Magkwento ka nalang” suggestion ni Gregg. “Cge na nga may kwento ako sayo…” at si nimulan
5 parts