Si Jenny ay nagmula sa isang mahirap na pamilya, ngunit siya ay kilala sa kanyang kagandahan. Lalo na nang siya ay maging isang dalaga, maraming mga lalaki ang nahuhumaling sa kanya. Ngunit si Khalix lamang ang nakapukaw ng kanyang atensyon. Sa di inaasahang pangyayari, nasangkot si Jenny sa isang aksidente na nagdulot sa kanya ng pagkawala ng malay sa loob ng ilang taon.
Siya ay nagising na puno ng pagnanasa na makita ang kanyang asawa, ngunit siya ay saksi sa isang nakabibinging pangyayari nang bumalik siya sa kanilang tahanan upang supresahin ang kanyang minamahal na asawa.
Sa halip na ang kanyang asawa ang magulat sa kanyang pagbabalik, siya ang nagulat nang matagpuan niya ang kanyang asawa na yakap-yakap ang isang babae na pinakatiwalaan niya nang lubos.
Ang kuwentong ito ay maaaring narinig na ng iba, ngunit handa ka na bang makilala sila?