"Paano naman ako? na nandito parin na naghihintay sa isang tulad mo?"
Araw-araw, napapaisip si Lhealyn sa buhay niya na kung saan iniisip niya kung may mga tao pabang kayang mag-hintay nang higit apat na taon.
Dahil ang kaniyang naging experience ay kaya niyang mag-hintay, pero may mga tao pa bang willing mag-hintay nang more than 4 years?.
Simula noong namayapa na ang kaniyang panilya, laging alay alay ni Lhealyn ang bilin ng kaniyang tatay. "Huwag mong hintayin ang isang taong hindi ka naman mahal, masasaktan ka lang." at ang bilin naman ng nanay ay "Mag-hintay ka, kung mahal mo, ngunit wag mong ipahalata na naghihintay ka. Dahil may tyansa na hahayaan ka nalang at gagawing clout ang paghabol mo."
Sinunod ni Lhealyn, ngunit meron siyang nabalewala na bilin ng kaniyang tatay.