44 parts Complete MatureHave you ever wondered... hanggang saan kaya kayang umabot ng isang tao para makuha ang bagay na pinaka-nais niya? Hindi lang 'yung simpleng gusto ha-pero 'yung tipong kahit dugo pa ang kapalit, handa niyang ibigay.
This is not just a story about love. This is about obsession. About people who will cross every line, break every rule, just to claim what they believe is theirs.
At sa mundong 'to, hindi laging masama ang may gusto... pero minsan, sa sobrang tindi ng desire, nakakalimutan na natin kung sino ba talaga ang kalaban.
Serenity Acosta. Isang simpleng journalism student na ang tanging plano lang ay makatapos ng tahimik at maayos, malayo sa gulo. Pero hindi niya alam... siya pala mismo ang magiging sentro ng isang laro na matagal nang sinimulan bago pa siya ipanganak. Laro na ang pusta ay buhay, at ang premyo... dugo.
But now I'll ask you...
Kapag dumating ang oras na ang tanging hadlang sa gusto mo ay isang buhay... pipikit ka ba? O dudukot ka ng kutsilyo?