KAYBIGAN ANG AKING KANLUNGAN by Anthony Villeza Marco
  • Reads 443
  • Votes 10
  • Parts 1
  • Reads 443
  • Votes 10
  • Parts 1
Complete, First published Mar 31, 2015
Mature
Nang biglang dumating ang isang tulad mo
buhay ko'y sumigla dala'y iyong payo;
Kaya kaibigan ako'y may pangako
saksi'y kamatayan na tagos sa puso!

Saan man mapadpad ang hakbang ng paa?
silangan, kanluran, timog at hilaga;
Kalakip tuwina ang lungkot at saya
huwag mabahala may muling pag-asa!

Pangako saiyo aking kaibigan
ika'y iingatan hanggang kamatayan;
Kung ika'y alipin nitong kapalaran
ako'y tawagin mo hangad kang damayan!

Ikaw kaibigan na walang kapantay
sa bawat pagtahak ika'y aking gabay;
Ating kabakahin ang hamon ng buhay
hindi pagtatagal ating ang tagumpay!

Kahit na lumipas gabi man o araw
laging ihanda takda ng pagpanaw;
Tayo kaibigan sa mundong ibabaw
idolong butihin ang mangingibabaw!

Iyong marapatin at laging isipin
ako'y kaibigang tapat sa tungkulin;
Kaya ang hiling ko'y dapat lang mahalin
pagkat ang buhay ko sayo'y ibibilin!

Mga kasiyahan na pinagsamahan
sa ating gunita hindi matumbasan;
Ito ang pundasyon tayo'y magkaibigan
hindi mawawaglit hanggang kamatayan!
All Rights Reserved
Sign up to add KAYBIGAN ANG AKING KANLUNGAN by Anthony Villeza Marco to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 10
143 Poems for Her cover
Spoken Poetry Tagalog cover
Unspoken Words cover
My Poem Playlist cover
When Miss Pader Hurts cover
The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG] cover
Spoken Poetry Tagalog cover
Para kay Alpas cover
Isang Daang Tula cover
Araw, Ulap, at Buwan  cover

143 Poems for Her

5 parts Ongoing

"143 Poems for Her" is a heartfelt collection of poems dedicated to a love that transcends reality. Each piece captures the beauty, admiration, and devotion of a soul inspired by someone extraordinary. Through words woven with passion and sincerity, this collection reveals the depth of unspoken feelings, celebrating love in all its forms-pure, timeless, and unyielding. Plagiarism is a crime.