Lasenggero ang ama ni Maria Angeles kaya napilitan siyang lumayas sa kanilang bahay. Hindi na niya kaya ang kahihiyang ibinibigay nito sa kanya. Dahil doon, ilag na ilag na siya sa mga lasenggo sa bago niyang tahanan - ang Barangay Pirito. Ngunit nakilala niya si Tristan o Pikloy kung tawagin ng mga kainuman nito. Gwapo ito at matangkad sa kabila ng ermitanyo nitong hitsura. Dagdag pa rito hindi niya maipagkakailang ito ang pinakamatikas na ermitanyong nakilala niya sa buong buhay niya. Walang panama rito si Robin Padilla. Subalit may problema. Lasenggo si Tristan. Ngayon, kaya ba niyang hayaan ang pusong mahulog sa lasenggong ermitanyo?