NAGSIMULA ang relasyon ni Abigail at Miguel sa isang simpleng text hanggang sa lumalim ang pagmamahalan nila sa isa't isa sa kabila ng kanilang distansya. Pero hindi iyon naging hadlang para hindi maging matibay ang relasyong mayroon sila.
Hanggang sa nagkaroon ng pagkakataon na magkita ang dalawa sa unang pagkakataon, hindi napigilan ang kagustuhan ni Abigail, na puntahan si Miguel at sa unang beses ng kanilang pagkikita nangyari ang isang gabing hindi nila kapwa makakalimutan.
Mula nang mga sandaling iyon, mas naging matibay ang lahat para sa kanila. Hindi natiis ni Miguel na laging bisitahin si Abigail sa maliit nilang Isla- hanggang sa tuluyang magpasya ang lalaking pakasalan sa alkalde ng siyudad ang dalaga.
Maayos na sana ang lahat sa kanilang dalawa, handa na si Miguel na ipagpalit ang buhay sa Manila para lamang kay Abigail, ngunit isang pagsubok ang dumating sa buhay nilang mag-asawa nang nagkaroon ng emerhensiya sa magulang ni Miguel na naging dahilan para bumalik siya sa pamilya nito. Iniwanan niya ng pangako si Abigail, na siya ay muling babalik sa Isla para sa kanilang bubuuing pamilya.
Isa, dalawa, tatlo, apat na buwan hanggang maging isang taon ang lumipas walang Miguel ang nagparamdam kay Abigail, kaya nagpasya ang babaeng puntahan si Miguel sa Manila. Dala-dala ang surpresa na mayroon siya nang iwanan siya ni Miguel, ang hindi akalain ni Abigail ay siya ang masusurpresa nang sa unang araw na pagtapak niya sa lungsod sa malaking bahay ng mga Buencamino kitang-kita ni Abigail ang isang pagtitipon na si Miguel ay itinatakdang ipakasal sa isang napakagandang babae.
Lakad, takbo, lakad, takbo ang ginawa ng babae hanggang sa hindi niya namalayang nawalan siya ng malay tao sa isang taong magbabago ng kaniyang mundo.
Dahil ang babaeng niloko at iniwanan ni Miguel Buencamino ay naging isang sikat na Modelo.
Letters of Past Summer Nights (Old Summer Trilogy #2)
26 parts Ongoing
26 parts
Ongoing
OLD SUMMER TRILOGY #2
Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush on her since the first time he saw her on the campus, feels shy and awkward whenever her presence is there. What more if one summer, the whole team will have to train in the coach's province near the ocean, where Alia is also having her vacation?
Every night, since Alia cannot go to the house where the team is staying, the two would just write silly letters to each other and put them in a bottle, then hang the bottle in its usual spot.