Isang babaeng masayahin, yung tipong hindi mo makikitaan ng problema. Dinadaan sa ngiti at tawa na parang isang maskara na palagi niyang suot O dala dala. Pero siya ay tao rin, may sariling problema't pinagdaan, na kung minsan hindi na niya makayanan. Iniisip na mas mabuting sumuko na lamang. Walang malipitan at mapagsabihan, ngunit merong isang taong handang maging kaibigan na masasandalan, handang wasakin ang matibay na maskara, handang hanapin sa mundong madilim na kahit mismo ang sarili hindi niya matagpuan. Pero ang taong yun, hindi inalintana, lahat ng mahirap na daan, lahat ng pagsubok na kanyang pagdadaan ay haharapin, basta't ang totoong ikaw ay kanyang matatagpuan. Hindi para husgahan kundi upang ikaw ay merong masasandalan.
Please respect creative boundaries this poem belongs to me. Reposting without permission is not allowed.
Disclaimer: The image ( except the cover) and lyrics used in this story are for illustrative purposes only and are not owned by the author. The author does not claim ownership of the original content.
Do not copy or repost my story. Plagiarism is a crime
All Rights Reserved