Amet of the Seven Sisters
31 parts Ongoing Bunso at ikapito sa magkakapatid na Spell Weavers, taglay ni Amet ang kakayahan ng paghabi ng spell gamit ang ispiritu. Pero hindi lamang ito ang pantastiko sa kanya, kundi sa linya niya lamang maaaring isilang ang pinakamakapangyarihang witch sa lahat-ang Leikan witch.
Ito ang dahilan kung kaya tinago silang magkakapatid ng kanilang mga magulang sa dimensyon ng Takipsilim, malayo sa impluwensya ng Supreme Council ng mga Majikal at lumalamon ng majikal na kapangyarihan na mga Dark Ones.
Nagdalaga sa Takipsilim, kinailangang magbalik ng magkakapatid sa Tierra Firme para hanapin ang kanilang nawawalang ina. Dito nakasama ni Amet ang pinsang si Trixie, isang Seer at Time Jumper; ang misteryosong Feyre na si Fionn a.k.a. Kai; at si Markus, myembro ng Brotherhood of the Renegades, alphas mula sa pureblood Majikal Clans na pinamumunuan ng Ancient na si Alexander.
Mula sa pamumuhay sa Takipsilim sa proteksyon ng mga Olden hanggang sa masalimuot na World War II sa Tierra Firme, ang istoryang ito ay tungkol kay Amet, ninuno ng pinakahuling Leikan na mabubuhay sa Tierra Firme bago magunaw ang mundo...