Paano ka makakaalala kung iba sa iyong memorya ay di mo nais pang maalala pa habang buhay? Mga masakit na alaala na hindi mo na naiisin pang maalala. Sa sobrang sakit ay hindi ka makatulog at makapag isip ng maayos. Pero ito si Crizha Avamorie Griego sa harap ng pinta at hindi namamalayan na iginuguhit niya na pala ang masayang senaryo na gusto niyang panatalihin sa isip at walang kaalam-alam na memorya niya ang ipinipinta niya. Ikaw, handa kana bang makaalala? At makaalala ng masasakit na nangyari sa buhay mo?