Minsan sa buhay natin, may mga tao tayong makikilala. Mga taong hindi naman sila magtatagal sa life story natin. Pero sila yung mga taong papalakasin tayo, yung bibigyan tayo ng tapang para maharap lahat ng sakit at problema na daranasin natin. Well, tawagin nalang natin silang mga "EX".
Ang "EX" daw, kaya nga ex ay past na, di na dapat balikan, in short, "dapat ng kalimutan". Pero bakit nga ba may mga taong, di makaalis? di makausad? di makamove-on? Itong istoryang matutunghayan (wow! lakas maka MMK!) niyo ngayon ay tungkol sa isang babae na sobrang nagmahal, sobrang nasaktan, at sobrang umaasa.
Hi guys!! ^_^ I'm back hihihi.
So this is another love story of mine, tungkol to sa isang girl na nagmahal ng sobra at totoo pero sinaktan, binalewala at niloko lang siya ng taong mahal niya. Ngayon na break na sila, dahil alam niyang masasaktan lang siya lalo na pag nasa lugar siya, kung saan napakarami nilang alala dalawa. Kaya makikipagsapalaran siya sa Japan para magtrabaho at para magmove on na din.
Sa kabila kaya ng naranasan niya sa ex niya ay magawa kaya ulit niyang magmahal at magtiwala?