Lahat ay kayang gawin ng isang ina para sa kanyang anak. Lahat ay handang isakripisyo ng isang ina para lang mapabuti ang kalagayan ng kanyang anak. Bata pa si Farrah ng magkaroon ng anak. Ang akalang buhay na maganda, masaya at langit na ipinangako ng lalaking kanyang minahal ay naging impyerno pala. Sa paglayo ni Farrah at anak nito ay pinasok ni Farrah ang mundong kahit kailan ay hindi niya inakalang kahahantungan niya. Makalaya pa kaya si Farrah sa kulungang kinasadlakan niya? May lalaki pa kayang totoong magmamahal sa kanya at tatanggapin ang kanyang nakaraan?