Simpleng katangian, sapat na pamumuhay, iilang kaibigan at maayos na pamilya. Simpleng pag-ibig. Sapat na sa akin ang mga iyan. Kuntento na ako.. Sadya nga lang mapaglaro ang buhay. Kung ano yung simpleng ninanais madalas salungat ang dumarating... Nang makasalubong ng mga mata ko ang pares ng abuhin at magagandang matang yun, ang simpleng pag-ibig na hangad ko ay alam kong mababago. Kumplikado. Masyadong matayog. Mahirap abutin. Handa ba akong suungin ang ganitong klaseng pagmamahal na tila nagnanais na abutin ako? O tanggapin na lamang sa sariling hindi bagay ang mangarap ng mataas para sa isang simpleng tulad ko?All Rights Reserved