Tumunog na ang bell senyales na ang subject nila ngayong umaga ay tapos na. Agad-agad na sinalubong ni Heather ang mga kaibigan nito sa cafeteria. "Oh anong nangyari sayo, Reese? "tanong nito sa pagkaupo sa inokupahang mesa ng magkakaibigan. "Eh paano ba naman, nakipag-break sa kanya ang oh-so-perfect boyfriend niya kanina" singit naman ni Max, na siyang umaalo sa umiiyak na si Reese na sobrang mugto ang mga mata. "What? You blubber how perfect that guy is, and now, look who's hurting now?" asik niya sa kaibigan na matagal na niyang sinasabihang hiwalayan ang kasintahan nito. Ewan ba bakit madalas na ttama ang hinala niya pagdating sa mga lalaki. Gaya nalang ngayon. "Hindi naman ako umiiyak dahil nakipagg-break siya sakin eh! That bastard is a cheater!" may gigil sa boses nito at may punto ang hinanakit nito. "Kaya pala ayaw magpakita sa amin nung demonyong yun, sinungaling rin pala." at inabutan ni Max ng tubig ang luhaang kaibigan. "Well I can make revenge sweet for you, hun. I can make that bastard know his place and pay for what he did to you." may ningning pa sa mata ni Heather habang sinasabi ito. Pero ano nga ba ang magagawa niya, e average student lang siya. But wait, her club is not calling her a Drama Queen without a reason. And dang! An idea struck her. Anong gagawin ni Heather bilang Drama Queen?