First Love vs. True Love by Adelaine Yawyawil
15 parts Complete SYNOPSIS
Darating sa buhay natin na minsan kailangan natin mamili, na kailangan natin magdesisyon. Sino nga ba?, Ano nga ba? Ano ang Tama?, ano ang Mali?, Alin ba ang dapat masunod, Isip ba o Puso? Ikaw ba o ang mga taong nakapaligid sa iyo? First love mo o ang True Love mo? Swerte ka kung ang First love mo ay ang True Love mo, wala kang
problema. Pero paano kung dumating sa buhay mo na kailangan mo mamili? Sino o Ano ang pipiliin mo? Kaya mo bang sagutin? Kaya mo bang panindigan?
Isipin mo.. kung magkaiba ang FIRST LOVE at ang TRUE LOVE mo, isipin mo sa first love mo dito ka natuto, siya ang nagbigay sa iyo ng unang tamis at pait ng pag-ibig. Isang karanasan hinde mo makakalimutan, Isipin mo ang True love mo ay ang taong nagparanas sa iyo ng kakaibang pakiramdam, na nagparanas sa iyo na hinde ka nag-iisa, na nagparanas sa iyo kung ano talaga ang kahulugan ng pag-ibig. Na kahit anong mangyari, nanatili pa rin itong
nakaukit sa puso mo, masakit man o masaya ito.
Isang Simpleng dalaga lang si Yani na naghihitay na makaranaas na umibig. Hinde niya akalain sa pagpasok niya sa bagong trabaho, magbabago ang kanyang buhay. Dito niya nakilala si Julian, ang kanyang boss, na sa unang pagkikita pa lang nila nag-iwan na agad ito ng hinde magandang ekspresyon. Hinde rin niya akalain dito niya uli makikita ang unang taong nagpatibok sa matigas niyang puso.
Akala ni Yani, na kapag nagmahal ang dulot lang nito ay walang hanggang kasiyahan, pero nagkamali pala siya, napagtanto niyang "Mahirap pala at masakit ang magmahal". Samahan ninyo akong pumasok sa kanilang mundo,at sabay sabay tayong mag-isip, Sino nga ba ang dapat piliin FIRST LOVE o ang TRUE LOVE?