Sa buhay ng isang tao, minsan hindi natin alam ang hinahanap natin hangga't makita natin ito. Kumbaga minsan, tayo ang nahahanap ng mga bagay na hinahanap natin. Ito ay isang storya na umiikot sa love life ng isang babae na nagngangalang Alex Nicolas. Si Alex ay isang first year college student sa International University.. Dito, nakilala niya ang sikat na sikat na artista na si Drake Hans Lopez. Simula nung nakilala niya si Drake nag-iba mundo niya. Nakakilala siya ng mga bagong tao at naka-experience ng mga bagong bagay. Ngunit habang tumutagal, nararamdaman ni Alex na may kulang parin, na parang may hinahanap parin siya pero hindi niya alam kung ano. Ang nakahanap kay Alex ay si Avery Alonso Prado, 3rd year college na sa International University. Nagsimula sila sa magkakilala lang hanggang sa naging magkaibigan sila. Ngunit, si Avery pala ay isang napaka mapursige na lalaki pagdating sa pagmamahal. Ipanikita ni Avery kay Alex ang mundo niya. Mundo na mismo si Alex alam na alam na gusto niya ito. In summary: Avery = mang-aagaw Alex = inaagaw Drake = inaagawan May maaagaw kaya? Magpapaagaw ba? (Sa storya na ito, gusto ko ipakita sa mga mambabasa kung ano ang sitwasyon ng isang "inaagaw". Madalas ang inaagawan ang bida at ang biktima, dito, gusto ko ipakita sa mga tao kung ano ang pakiramdam ng inaagaw ka sa taong mahal mo.)All Rights Reserved
1 part