Kung may sumalo ng lahat ng kababaan ng self-confidence at self-esteem sa mundo, si Roni iyon. Gayunpaman, hindi iyon naging hadlang para makamit ang kanyang mga pangarap. She was a successful surgeon. But then again, it was still not enough.
Borj was one big-shot architect and also the owner of a successful house construction and developing firm. Dahil sa status, plus kaguwapuhang taglay, maraming babae ang naghahabol sa kanya. Ngunit hindi tulad ng ibang mga lalaki, hindi gusto ni Borj na ang babae ang unang lalapit sa kanya. Mas gusto niyang siya ang unang lalapit.
When Borj and Roni's paths crossed, Roni found him so conceited and annoying, though she admitted to him that she found him handsome. Habang si Borj naman ay halatang naintriga kay Roni.
Paano magkakasundo ang isang babaeng kulang ng tiwala sa sarili at Isang lalaking ubod ng yabang? Sapat na ba ang obvious na attraction nila sa isa't isa para may patunguhan ang kanilang pagtatagpo?